Sa bagong upload na video ni Doc Liza Ramoso-Ong, ay ibinahagi niya ang mga paraan para palakasin ang katawan laban sa sakit.

Madalas ba na ikaw ay nagkakasipon, ubo, o ‘di kaya’y trangkaso? Ito ang mga nararapat mong nalaman kapag ikaw ay nadapuan ng ganitong sakit ayon kay Doc Liza Ramoso-Ong.

Kapag ang sipon o trangkaso ay galing sa virus, hindi ito kinakailangan ng antibiotic at dapat na palakasin ang inyong immune system. Kung ito naman ay dulot ng bacteria ay kinakailangan ng antibiotic para patayin ang mga microorganisms na ito.

Ibinahagi din ni Doc Liza ang mga paraan para maprotektahan ang katawan mula sa sipon, ubo, at trangkaso katulad ng tamang paghuhugas ng kamay, 7-8 hours na tulog, pag-ehersisyo, pag-manage ng stress, pagme-meditate, at pagkain ng gulay at prutas.

Inilista din ni Doc Liza ang mga pagkain na tumutulong sa paglaban ng sipon at flu katulad ng citrus fruits (orange, suha, dalandan, at iba pa), bawang, honey, luya, green leafy vegetables, carrots, turmeric, at syempre ang pag-inom ng maraming tubig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *