Sa bagong upload na video ng ‘Payo ni Doc Willie Ong” ay kanyang in-explain ang masamang epekto ng kulang sa tulog at stress.
Marami sa mga tao ngayon ang kulang sa tulog, puyat, at puno ng stress.
Sa pinaka-recent na video ni Doc Willie Ong, kanyang in-explain ang masamang epekto ng kulang sa tulog. Ayon sa kay Doc, ito ay mga sumusunod:
- Prone ka sa aksidente dahil puyat at hindi alerto
- 33% na chansa na magka-dementia o pagiging ulyanin
- Mas nase-stress, nagkaka-anxiety, at irritable
- Maaaring magkaroon ng obesity dahil kain ng kain
- Blood pressure tumataas at maapektuhan ang puso
Pina-alam din tayo ni Doc Willie ng number of hours of sleep na ayon sa edad:
Newborns: 14-17 hours
Infants: 12-15 hours
Toddlers: 11-14 hours
Preschoolers: 10-13 hours
School-aged children: 9-11 hours
Teens: 8-10 hours
Adults: 7-9 hours
Older adults: 7-8 hours
Payo din ni Doc Willie para makatulog ng maayos ay dapat komportable ang kwarto, matulog sa parehong oras, iwas sa softdrinks at coffee, iwas daming pagkain, mag-exercise sa umaga.