Sa araw na ito noong 2006 mayroong 73 katao ang pumanaw dulot sa pangako ng gameshow na Wowowee ng mga pera at papremyo.

Pebrero 4, 2006 naganap ang karumal-dumal na pangyayaring kumitil sa 73 katao na ang kagustuhan lamang ay makapunta ng gameshow, ang Wowowee.

Sa unang anibersaryo ng batiking gameshow na Wowowee, 73 katao, kasagaran ay mga matatandang babae, at 400 ang nainjure dahil sa pagmamadaling makapasok sa PhilSports Stadium ng Pasig City.

Nitong nakaraang linggo lamang pumatok ulit ang pangalan ni Willie Revillame matapos lumabag ang mga fans nito ng health protocols sa pandemya. Mayroon kasing kumalat na balitang magbibigay ang komedyante ng mga pera at papremyo sa kung sino man ang pupunta sa studio sa kanyang birthday.

Leave a Reply

Your email address will not be published.