Sa 610 attendees ng isang pool party at drinking session, pumutok ang mga nag-positibo sa virus!

Aabot sa 51 katao ang nag-positibo sa COVID-19 matapos um-attend sa isang pool party at drinking session sa Brgy. Nagkaisang Nayon sa Quezon City.

Ang 51 na bagong COVID-19 cases ay nanggaling sa 610 attendees na isinailalim sa RT-PCR swab tests matapos mahuli sa event.

Nagbahagi ang Quezon City LGU ng video footage na nagpapakitang naging ‘superspreader’ event dahil na rin sa hindi pagsusuot ng face masks at face shields ng attendees habang nakatayo malapit sa isa’t isa.

Ipinaalala ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na bawal pa rin ang pangmalakihang social gatherings dahil sila’y nasa General Community Quarantine. “Kailangan pa rin ng ibayong pag-iingat at paghihigpit dahil nananatili pa rin ang peligrong hatid ng COVID-19 sa paligid.”

May isinasagawa nang imbestigasyon sa insidente. Ang mga makikitang nag-violate sa guidelines at ordinances ay mapapatawan ng tickets at maaring humarap pa sa mga kaso.

Wala pang komento ang barangay officials na pinagdausan ng event.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *