Sa 15 bills na gustong ipasa ni Go, natagpuang may underlying motives! Nang pinuna, walang masabi!

Mayroong 15 bills ang gustong ipasa ni Senator Bong Go sa kongreso na sinasabi niyang para lamang umano mapataas ang bed capacities ng ilang ospital sa bansa. Ngunit sa mas masusing pag-aaral sa proposal, natagpuan ni Sen. Franklin Drilon na mayroong underlying provisions and mga bills na nalalayo sa initial proposal ni Go.

Isa sa mga ito na ang control sa Benguet General Hospital at Lanao del Norte Provincial Hospital ay malilipat mula sa LGU papunta sa National Government.

Dagdag pa rito, magsisilbi ang ilang bills bilang pahintulot na magtayo ng bagong ospital sa ilang mga bayan at siyudad sa Pilipinas.

Itinanong ni Drilon si Go kung alam nito ang Mandanas ruling at nagsabi itong ‘Oo’. Ngunit kalauna’y natameme siya at nagmadali ang mga staff nitong pasahan siya ng notes.

Iginiit ni Drilon na kung ang Mandanas ruling ay ipapairal na sa 2022, nangangahulugan itong ang financial capabilities ng national government ay malilimita.

Matapos ang ilang minuto nakatugon na si Go at nagsabing, “Yes po, malaki pong kawalan sa national government.”

Dahil sa pagsang-ayon niya sa Mandanas ruling, sinusuportahan na rin nito ang desisyon ng Senado na hindi ipagtulak ang internalization ng mga ospital kung kakayanin naman ng LGU ang gastusin.
Bumaha ang kritisismo kay Go dahil sa kakulangan ng paghahanda nito para sa mga bills na siya ang sponsor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *