Retirement ni Sinas sa PNP, hindi magtatagal at opisyal na siya ng gobyerno ulit!

Saglit lang ang bakasyon ni dating Philippine National Police (PNP) chief Debold Sinas dahil matapos ang retirement niya sa nabanggit na posisyon, ilalaklak umano ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ibang bagong upuan sa gobyerno.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, kagustuhan umano ito ni Duterte.

Pinuri rin nito si Sinas para sa naging serbisyo bilang PNP chief, lalo na ang mga huling buwan ng kanyang termino sa organisasyon na malaki ang parteng nilaro sa pagragasa ng COVID-19 pandemic.

Maaalalang si Sinas ay nasangkot sa isang eskandalo noong nakaraang taon dahil sa pagdadaos nito ng isang malaking birthday sa kabila ng mga health protocols at limitations na inilagay ng IATF. Itinawag nila itong ‘mañanita.’

Hanggang ngayon hindi nananagot si Sinas para sa violation niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *