Resolusyon upang ipagdiwang ang unang Filipina Olympic boxing medalist, isinusulong!

Pinasa ni Senator Risa Hontiveros ang Senate Resolution No. 822 na makakapagbigay papugay kay Nesthy Petecio para sa pagkakapanalo nito ng silver medal sa Women’s Featherweight Division ng Tokyo 2020 Olympics.

Si Nesthy ang unang Pinay boxer na nagkaroon ng placement at nakaakyat ng podium sa Olympics. Dahil sa kaniya, uuwi ang delegado ng Pilipinas sa Olympics na may bitbit nang hihigit pa sa isang medalya.

Pahayag ni Hontiveros, “Babae, sakalam! Filipinas making history twice in a row comes as no surprise. We are made of touch stuff.

Hidilyn showed us it was possible, and Nesthy showed us that it’s just who we are.”

Para kay Hontiveros, importanteng mabigyan ng Senado ng papugay si Nesthy upang ‘officially marked Filipinas’ important place in history and sports.’

Idinagdag pa nito na, “Itatak natin sa kasaysayan natin ang mga panahong ang mga Filipina ang nagwagi, lalo na sa pinakamapanghamong panahon para sa kahit sinong atleta.”

Bilang pagtatapos, “Hidilyn and Nesthy embody the best of Filipino elite athletes: bold and fierce, outspoken in advocating their fellow athletes, and undeterred by the challenges thrown their way.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *