“Remember, it is never too late, and you are never too old to reach your stars.”

Masayang ibinahagi ni Jodi Sta. Maria na siya’y opisyal nang graduate ng kolehiyo na may bitbit na degree sa Psychology.

Sa kanyang Instagram account, nagbahagi siya ng mahabang post patungkol sa pagkakatupad ng pangarap niyang ito na binitbit niya na raw mula pa noong magsimula siya sa showbiz.

Galing sa kanyang caption, “I dreamt of finishing my schooling ever since I entered show business and today, after more than a decade marks the fulfillment of that dream. After 4 long years, I am here graduating from college.”

Palagi rawng nananalangin si Jodi lalo na sa mga pagkakataong inaakala niyang hindi na niya makakaya ang mga pagsubok kalakip ng pag-aaral niya. Nagpasalamat din siya sa pamilya’t mga kaibigan sa pagsusuporta sa kanya.

Bilang pagtatapos nagsabi siya ng isang inspiring na pahayag, “Remember, it is never too late and you are never too old to reach your stars.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.