Relief operations bilang tulong sa pagbangon mula sa epekto ng pandemya, dala ng programa!

Nakarating na ng Meycauayan, Bulacan ang tulong na dinadala ng programang ‘Panday Bayanihan’ ni Senator Grace Poe.

Nag-pack ng mga bags na may lamang bigas, canned goods, instant noodles, atbp. na ibinahagi nila sa mga residente ng naturang lugar bilang tulong na rin sa mga pamilya’t mamamayan na lubos na apektado sa mga masasamang dinala ng pandemya sa bansa at ekonomiya natin.

Habang patuloy pa ang pagsagupa ng mga epekto ng pandemya sa Pilipinas, patuloy pa rin ang pamamahagi ni Poe, sa pamamagitan ng Panday Bayanihan, ng tulong sa mga naghihirap.

Sa isang video release ng proyekto, naibida ang isang babaeng nakatanggap ng relief goods mula sa Panday Bayanihan na nagsabing, “Sana po tulungan ‘yung mga mahihirap na kagaya namin.”

Paniguradong sa ilalim ng kanilang facemask at face shield mababakas ang ngiti sa mga labi ng mga nakatanggap ng relief goods at madadama rin sa taos-pusong pasasalamat nila sa mga namimigay ng tulong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *