Regalo ni Kris para kay kuya Josh, ano nga ba?

Para sa 26th birthday ng panganay na anak ni Kris Aquino na si Joshua, sinurpresa niya ito ng bonggang-bongga kahit hindi na sila magkasama sa iisang bahay!

Nishare ni Kris ang mga kaganapan sa birthday ni Josh na nasa Tarlac City kasama ang kanilang mga kapamilya.

May video pa silang makikita si Joshua na namimigay ng regalo’t grocery bags sa mga residente sa Tarlac na bahagi na ng kanyang birthday celebration.

Ipinakita rin sa video ang saya ni Josh sa regalong golf cart ni Kris sa kanya. Sinakyan nito kaagad ang cart at pinaandar. Nakapagsabi pa ito ng, “Thank you Mama and Bimb. I love you,” habang lulan ng sasakyan.

Sa IG post ni Kris Aquino nabida niya anh birthday ng anak. May captuon pa siya ritong, “June 4, 1995. I was so NOT READY to be a mama. In many ways Kuya Josh helped me grow up.

For kuya kung mabait ka at nagpakita ng kabutihan higit dun ang lambing at pagmamahal na isusukli niya.”

Kasabay nito’y nagpasalamat si Kris sa mga patuloy na sumusuporta sa kanilang pamilya dahil hindi niya mabibigay ang tinatamasa niyang buhay para sa pamilya kung wala sila.

Leave a Reply

Your email address will not be published.