Red Cross: Ang Saliva-based test para Covid-19, mayroong 99% success rate sa US

Mayroong 99% detection rate sa US ang mas murang saliva-based Covid-19 testing method, ayon sa Philippine Red Cross.

Sa isang panayam sa dzMM TeleRadyo, nagpahayag ang dating Health Secretary Paulyn Ubial na ang PRX ay naghihintay pa sa pag-apruba ng Department of Health Technology Assessment Council.

Matatandaan na ang rekomendasyon para magsimula sa saliva test ay umabot na kay Health Secretary Francisco Duque III para sa pag-apruba noong Nobyembre pa.

Ayon kay Ubial, “The saliva test is cheaper and simmpler to do. In the University of Illinois, they’ve conducted one million saliva tests, and their detection or concordance rate is 99%.”

Idinagdag ng Red Cross na ang saliva-based na pag-test ay hindi nangangailangan ng swab kits, specimen collector, at ng skilled na propesyunal. Ang pag-proseso pa sa saliva samples ay aabutin lamang ng tatlong oras kumpara sa swab tests, na inaabot ng anim hanggang pitong oras.

Si Ubial ay nilagay sa posisyon bilang head ng biomolecular laboratories ng Philippine Red Cross. Iwinika rin niya na ang isasagawang COVID-19 testing ng organisasyon ay magpapatuloy kahit na isasagawa na ng gobyerno ang immunization program nito.

Ani niya pa, “When the vaccine comes, not everyone will be inoculated immediately. In fact, they’re saying only 20 percent of the world’s population can be vaccinated within 2021. So, officials are looking at up to 3 years of vaccination to achieve herd immunity. So our Covid-19 testing will continue.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *