Raffy Tulfo sinorpresa ang asawang si Cong. Jocelyn

Sinorpresa ni Raffy Tulfo ang kanyang asawa na si Cong. Joceyln Tulfo nitong Valentine’s Day. Kailangan daw bumawi ni Tulfo sa asawa kasi walang binigay nung birthday niya ng Feb. 5, kaya extra special yung ginawa sa Valentine’s.

Kumuha talaga siya ng decorator para sa espesyal na araw. Sa paunang sopresa, pinuno ang isang kwarto ng balloons, may balloon arrangement at bouquet pa para sa misis. Sa pangalawang sopresa, nagpalifesize flower arrangement sa terraza ng bahay nila. Nagandahan at bawing-bawi naman daw si Raffy ayon sa asawa. Sobra pa nga at napatanong magkano daw ang ginastos ng asawa.

May sorpresa din si Tulfo sa mga netizens. May P14,000 ang netizen na makakahula ng bilang ng roses sa napakalaking flower arrangement. Irereveal niya ang nagiisang winner sa Biyernes. Nagbigay ito ng clues, Ecuadorian roses ang ginamit sa 9×9 ft na heart at 12×8 ft ang aisle.

Leave a Reply

Your email address will not be published.