“Pure campaign joke… at kung naniniwala kayo, I would say that you are really stupid.”
Sa isang pre-recorded public address ni Pangulong Rodrigo Duterte, inungkat nito ang pangako noong 2016 Halalan na siya’y magje-jet ski papuntang Spratlys upang palayasin ang mga Intsik na nananahan doon.
Ani ng Pangulo, “Panahon ng kampanya ‘yan… at saka ‘yung biro na ‘yun, they call it bravado, ‘yung bravado ko, pure campaign joke. At kung naniniwala kayo, I would say that you are really stupid.”
Ang pahayag na ito ay matapos mabatikos ang Pangulo sa sinabi nito kailan lang na hindi umano pagbabanggit sa China sa kanyang pangangampanya kahit na binanggit naman niya. Komento niya rito? Ang mga nagseryoso umano sa mga biro niya ay hindi sanay sa kanyang lengguwahe at pamamaraan ng pangangampanya.
Idinagdag nito, “I was not taking lightly the sovereignty. It’s a pure joke actually, but just to emphasize I really mixed it with a joke. If you swallow it, my God, I wouldn’t comment anymore. Who is stupid? Don’t you know that I do not know how to swim? What if that thing falls? By this time I would have been the late Rodrigo Duterte.”
Ipinagpatuloy niya pa ang pagdedetalye kung paano magiging sobrang delikado ang pagjejet-ski niya papuntang Spratlys.
Bilang pagtatapos, inulit niya ang pagkakaseryoso sa pagproprotekta ng teritoryo ng Pilipinas at nagsabing, “There will be no compromise (on the territory). China knows that. Even if it floods us with vaccines.”