Pulis, inaresto para sa indiscriminate firing
Isang policewoman galing Malabon City ang inaresto matapos siyang mahuling namaril gamit ang kanyang handgun ‘indiscriminately’ habang nagdadaos ng mga kasiyahan ng bagong taon.
Si S/Sgt. Karen Borromeo (39), ay haharap sa kaso at pag-dismiss mula sa kanyang posisyon dahil sa nangyaring ito, ani ng PNP spokesman Brig. Gen. Ildebrandi Usana.
Sabi ni Usana sa isang press briefinf na si Borromeo ay kakaharap ng criminal at administrative na sanctions.
Ayon sa isang police report, si Borromeo ay nagpapaputok ng kanyang handgun sa tapat ng kanilang abhay sa Brgy. Ibaba pagka-7:45 ng gabi.
Ang ginawang ito ni Borromeo ay inulat ng kanyang mga kapitbahay sa pulisya, na siyang umaresto din sa kanya.
Ayon sa direktor ng Northern Police District (NPD) na si Brig. Gen. Eliseo Cruz, ang insidente ay sanhi sa personal na problema ni Borromeo at hindi sa selebrasyon ng bagong taon.
Sabi niya, “She was having an argument with her live-in partner.”
Ayon naman kay Usana, mayroon silang naitalang at least 25 na kaso ng indiscriminate firing nitong holiday season.