PRRD, inanunsyong tinanggap na ang nominasyon pagka-VP para sa PDP-Laban!

Nitong Martes naikumpirma ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang pagtanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nominasyon ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) Party sa kanya bilang kanilang Vice Presidential Candidate.

Ayon pa kay Nograles, si Duterte umano’y pumayag na gawin ang sakripisyong ito at pakinggan ang panawagan ng bayan.

Dagdag pa ni Nograles, ang pagtanggap na ito ni Duterte ay para sa pag-‘ensure that the country’s COVID-19 vaccination program will be sustained in the critical stage of the pandemic where targets are steadily achieved.’

Iniiwan umano ni Duterte ang desisyon sa mga Pilipino at nagsabing, “I may not have the power to give the direction or guidance but I can always express my views in public for whatever it may be worth in the coming days. Nasa Pilipino na ‘yan.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.