PRRD, iginiit na walang korapsyon sa DOH sa kabila ng findings ng COA!

Dinepensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Health (DOH) mula sa mga alegasyon na ito’y nasangkot sa korapsyon matapos matimbrehan ng Commission on Audit (COA) na mayroong unmaximized funds na nagkakahalaga ng bilyones.

Pahayag pa ni Duterte, “To the issue of whether money has been stolen, that is pure bullshit. Imposible magnakaw ka ng PHP 67.3B.”

Hindi niya rin umano papatalsikin sa pwesto si Health Secretary Francisco Duque III, at pahayag pa nito, “Wala ka namang ginawang masama, bakit ka mag-resign.”

Nagsabi pa ito na dapat ang COA ay hindi nagpu-publish ng audit reports dahil hindi ito ‘fair’ para sa mga government officials gaya ni Duque.

Pahayag pa nito sa ahensya, “Stop the flagging, goddamn it! You make a report, do not flag and do not publish it because it will condemn the agency or the person you are flagging… What you are doing is flogging.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *