Proyekto ng Thailand, nagpakitang maaamoy ng mga sniffer dogs sa pawis ang COVID-19
Nagpamalas ng 95% accuracy rate ang mga Sniffer Dogs ng Thailand na trained upang mag-detect ng COVID-19 sa pawis ng mga tao. Ani pa ng puno ng proyektong ito, maaari raw ito silang magamit upang matukoy kung sino ang may coronavirus infection sa mga transport hubs ng mabilisan.
Ani ni Professor Kaywalee Chatdarong, ang puno ng proyekto, “The dogs take only one to two seconds to detect the virus.
Within a minutes, they will manage to go through 60 samples.”
Idinagdag pa ng resulta ng research nila na ang mga Labrador Retrievers ng proyekto ay nakaka-detect ng volatile organic compound na matatagpuan sa pawis ng COVID-19 carriers, asymptomatic man ito o symptomatic.
Idinagdag ni Chatdarong na hindi kailangan amuyin ng mga aso isa-isa ang mga pasahero ngunit mga screen samples lamang. Hindi rin ito magiging problema dahil isang tropical country ang Thailand.