Programa para sa mga jeepney drivers na nawalan ng trabaho, sinimulan na!

Masayang ibinahagi ni Senator Grace Poe ang paglulunsad niya ng bagong programa na makakatulong na naman sa nakakaranas ng hirap sa harap ng pandemyang patuloy na sumasalanta sa kaligtasan at pagkakakitaan ng mga Pilipino.

Malugod niyang iprinesenta ang Tsuper Kabuhayan program na nakalaan sa mga jeepney drivers na naghirap dahil sa pagkawala ng kanilang pagkakakitaan sa harap ng pandemya.

Naglalayon siyang bigyan ng bagong pagkakataon ang mga benepisyaryong makapagtaguyod ulit ng bago nilang pangkabuhayan.

Paalala niya rin sa mga nakapagsumite na ng aplikasyon sa programa, “Antayin lamang po ang aming mensahe kung isa kayo sa mga makakatanggap nito.”

Mensahe niya, “Sa FPJ Panday Bayanihan, lahat aangat, walang iwanan.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.