Producer noong 19 years old siya, nag-rape at nabuntis sa popstar!

Sa isang episode ng “The Me You Can’t See” docuseries ni Prince Harry at Oprah Winfrey ibinahagi ng American Pop Star Lady Gaga ang napakalaking unos na pinagdaanan niya sa early days niya sa industriya.

Noong 19 years old pa lamang siya’y naging biktima siya ng regular rape at nabuntis pa ng rapist-producer! Sa sobrang laking epekto nito sa pop star, kinailangan niyang magpagamot ng matagalan.

Sa isang emosyonal na pahayag ibinahagi ni Lady Gaga na, “I was 19 years old and I was working in the business, and then a producer said to me, ‘Take your clothes off.’ And I said no. And I left and they told me they were going to burn all of my music.”

Idinagdag nito na hindi siya tinantanan ng mga producer at isang araw, nanlamig lamang daw siya’t hindi niya maalala ang nangyari.

“I realized it was the same pain that I felt when the person who raped me dropped me off pregnant on a corner by my parent’s house because I was vomiting and sick ‘cause I was being abused.”

Matapos umano ang buong insidente, dumaan din siya sa isang ‘total psychotic break’ na kinailangan niya ng MRIs at scans. “They don’t find nothing, but your body remembers. I couldn’t feel anything. I dissociated.

It’s like your brain goes offline. You don’t know why no one else is panicking , but you are in an ultra state of paranoia.”

Kalaunan nalaman na dahil dito, may post-traumatic stress disorder na ang aktres at fibromyalgia, isang musculoskeletal pain disorder.

Inabot ng 2 taon bago niya natutunang kontrolin ang sarili dail sa mga mental health issues niyang nadevelop dala ng abusing naranas.

Pagtatapos ng aktres, “I don’t tell this story for my own self-service. I’ve been through it and people need help.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.