Prino-promote nito ang eye at cornea donation sa bansa!

Nitong May 17 nagpirma si Manila Mayor Isko Moreno ng kasunduan kasama ang Santa Lucia International Eye Bank of Manila (SLIEB) upang tumulong ma-promote sa bansa ang cornea at eye donations.

Kasama rito ang pagkakaroon niya ng isang donor card na naglalagdang kung siya’y mamamatay ay iha-harvest ang kanyang mata at cornea para mai-donate.

Hinihikayat ni Mayor Isko ang eye donation sa publiko.

Ang pagpipirma niya ng kasunduan ay tanda ng suporta at dedikasyon ng Manila City para sa pag-papakalat ng cornea at eye donation sa bansa.

Ani pa ni Mayor Isko, “Sana sumunod na kayo. Wala namang mawawala sa inyo kapag naging eye donor kayo. Ibig sabihin lang ay kung namatay kayo, may makikinabang pa rin sa mga mata ninyo.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.