Pondo para sa full-bed crisis problems ng mga ospital, hindi dama ng NCR+!

Mayroon naman palang back up plan sana ang Bayanihan to Recover as One act para kung sakaling kumaharap ang bansa ng full capacity sa mga established hospitals na, ngunit ito’y hindi nadarama ng mga nagdurusang COVID-19 patients ng NCR+.

Hanggang sa kasalukuyan, ang mga COVID-19 patients ng NCR+ bubble ay pahirapan nang ma-admit ng ospital at ito’y nagdulot ng kamatayan para sa maraming mga residenteng hindi nakatanggap ng angkop na medical attention.

Ang back up plan ay isang proyektong nagkakahalagang 9 Billion Pesos, na para sana sa pagpapatayo ng makeshift hospitals at isolation facilities. Kung isinagawa ng IATF at DOH ang mga proyektong ito noong hindi pa malala ang sitwasyon sa loob ng bubble ay hindi sana mamamatay ang ganoon karaming Pinoy na nabiktima ng virus.

Ito ang katotohanang ipinuna ni Senator Risa Hontiveros, na ibinatikos ang DOH at IATF sa kawalan ng pakialam at kakulangan sa paghahanda na nagdulot sa sitwasyong lumobo ng ganito kalala.

Ani pa ng Senadora, “Walang dahilan upang matanggihan ang maraming pasyente kung nagawan ng paraan ng IATF at DOH ang pagtatayo ng dagdag pang isolation facilities gamit ang PHP 9 Billion na pondo.”

https://www.officialgazette.gov.ph/downloads/2020/09sep/20200911-RA-11494-RRD.pdf

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *