Pondo para sa Bayanihan 2, kailangan nang magamit para matulungan ang transportation sector.
Pinuna ni Grace Poe ang ‘sluggish’ na rollout ng service contracting program para sa transport sector workers ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Pahayag ni Poe, “The rollout of the service contracting program is happening at a sluggish pace that denies our public utility vehicle (PUV) drivers and transport sector workers a decent income amid the pandemic.”
Dinala rin nito sa usapan kung paanong ang PHP 5.58B fund ng Bayanihan to Recover as One ay nakapag-disburse lamang ng PHP 461.8M para sa mga nawalan ng trabaho dahil sa lockdown. Idinagdag niya na ito’y maeexpire na sa June 30, na nagpapahiwatig na kinakailangan nitong mai-distribute sa loob ng panahong ito.
Ani niya, “Unless the availability of the fund is extended, the billions of pesos, which could have eased the woes of our drivers without income will just return to the coffers of the government.”