Poe: Makakatulong ang bagong loan program sa mga pamilyang hindi nakakahabol sa e-learning dahil sa kawalan ng gadgets.
Ang bagong loan program na inaalay ng Land Bank of the Philippines ay makakatulong sa mga estudyanteng gustong magpatuloy ng pag-aaral sa kabila ng online learning scheme ng bansa ngunit hindi makapag-aral dahil sa kawalan ng gadget para rito.
Ito ay nakaumang sa mga pamilyang hindi makahabol sa demands ng gadgets at internet services dahil na rin sa recession na idinulot ng pandemya.
Si Senator Grace Poe, bilang head ng Senate banks and currencies panel, ay nagbitaw na ng pahayag ukol dito kung saan niya hinikayat ang mga estudyanteg kunin ang loan program ng bangko. Ipinaaalalahanan niya rin ang LandBank na magkaroon ng guidelines at implementasyong simple at poor-family-friendly.
Maaalala natin na noong Miyerkules inanunsyo ng landbank na ang loan program nitong, “Intermin Students’ loan for Tuition towards Upliftment of Education for the Development of the Youth” o mas kilala bilang I-Study, ay in-expand nila upang matulungan ang mga hirap na estudyante ng bans ana makabili ng electronic gadgets para sa mga online classes nito.