PNP nag-dismiss ng 9 na pulis na may sala sa pagbabaril sa Army intel agents
Ang PNP Chief na si Gen. Debold Sinas ay nag-dismiss na sa 9 na pulis na may kinalaman sa pamamaril sa apat na Army intelligence agents sa Jolo, probinsya ng Sulu, noong Hunyo ng nakaraang taon.
Sabi ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana na inapruba ni Sinas nitong Biyernes ang rekomendasyon ng PNP Internal Affairs Service (IAS) ang pagdidismiss sa 9 na pulis na sangkot sa nangyaring pamamaril sa 4 na Intelligence Agents ng Army.
Ang mga nagkasala ay sila:
Senior Master Sergeant Abdelzhimar Padjiri
Master Sergeant Hannie Baddiri
Staff Sergeant Iskandar Susulan
Staff Sergeant Erniskar Sappal
Corporal Sulki Andaki
Patrolman Moh Nur Pasan
Staff Sergeant Almudzrin Hadjaruddin
Patrolman Alkajal Mandangan
Patrolman Rajiv Putalan
Ang order na ito ay maaari pang ma-appeal sa National Police Commission.
Nitong Biyernes, ang mga nabanggit na opisyales ay nasa restrictive custody sa Headquarters ng PNP sa Camp Crame, Quezon City.