Plano para sa kahirapan, pagkagutom, cash assistance, at healthcare worker benefits at allowance, hindi napuna sa SONA!
Hindi nakontento si Grace Poe sa ika-anim at huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, at naipuna pa niyang hindi nito natalakay man lang ang mga plano sana sa pagtulong sa mga lubusang naapektuhan ng pandemya, sa mga health frontliners na walang pahinga, at lalo na sa kalidad ng edukasyon na bumababa habang nasa ganitong krisis pa ang bansa.
Ani pa nito na inasahan niya mula kay Duterte ang pagsisiguro sa bayan na mayroong trabaho para sa mga walang pagkakakitaan at makakain.
Idinagdag niya matapos ang SONA ni Duterte, “Our people are tired and hungry. What I believe we needed to hear was the plan moving forward. What’s the plan to restore the dignity of our people and provide opportunities for their future?”
Ipinuna niya rin kung paanong ang cash assistance na naibahagi ay sapat lamang sa unang mga buwan ng pandemya ngunit sumusobra na sa isang taon ito.
Nanghingi rin siya ng updates para mabigay na sa medical community ang nararapat na bayad na matanggap nila dahil ang mga ito ang nagsakripisyo’t nanguna sa laban kontra pandemya. Mainam na matandaan kung paanong ang medical community ay mayoon nang insidente ng protesta tungkol sa hindi nababayarang compensation nila sa gobyerno.
Dapat dawn a si Duterte ay hindi lang naglaan ng atensyon sa kung ano ang mga napagtagumpayan niya, ngunit kung ano ang plano nito upang masiguro ang pamumuhay at kinabukasan ng bansa,