Planado at maliwanag ang kinabukasan ng Pilipinas sa kamay ni Isko Moreno bilang kandidato

Tuluyang iprinisenta ni presidential aspirant at Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang kanyang economic recovery plan para sa bansa. Layunin nitong lutasin ang mga kasalukuyang problemang kinakaharap ng bansa na dulot ng COVID-19 pandemic.

Kung saka-sakaling palarin siyang manalo bilang presidente sa darating na halalan, ipinapangako niyang ipapatupad niya ang ilang mga proyekto na naisagawa niya sa Maynila. Kabilang na rito ang pagpapatayo ng mga bagong health facilities at COVID-19 field hospitals sa bawat dako ng bansa. Nais niyang bigyan ng mapupuntahang ospital ang bawat taong matatamaan ng virus nang sa gayon ay maasikaso sila ng maiigi.

Isa rin sa mga pinupuntirya ni Isko ay ang pagbibigay ng financial aid para sa mga estudyante at senior citizens na apektado ng kasalukuyang pandemya. Ipinahayag niya na tataasan niya ang government spending para sa financial aid at infrastructure upang mapadali ang sirkulasyon ng pera sa ekonomiya.

“The velocity of money, pag nilalabas mo (ang) pera ng gobyerno through infrastructure projects para sagutin (at) sugpuin yung social, perennial problem, which is housing, then you generate more business sa magsesemento, magbabakal, magkakahoy. Then pag may negosyo, may trabaho. Pag may trabaho, may kakayanang bumili ng bigas, suka, kalamansi, ulam,” pahayag ni Moreno.

Ninanais rin ni Moreno na pababain ang electricity costs sa bansa sa pamamagitan ng pagbabawas sa buwis ng kuryente. Hindi lamang ito makakatulong sa mga tao upang makatipid sa kuryente, kundi makakaakit din ito ng foreign direct investments at manafacturing companies, kung saan makakapagbigay ng mas marami pang trabaho sa mga tao.

Malinaw ang hangarin ni Isko Moreno para mapaunlad at ayusin ang ating bansa. Kung siya ay mabibigyan ng pagkakataon ay tiyak na hindi niya ito sasayangin bagkus ay gagamitin niya ito upang tulungan ang mga taong nangangailangan na makaahon sa kanilang kasalukuyang pamumuhay. Sa pagbabahagi ng mga tiyak na plano at #BilisKilos na aksyon, pinapatunayan ni Moreno na handa na siyang maging pangulo ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *