Pinuri ni Jake Ejercito ang pagiging mabuti at responsableng ina ni Andi Eigenmann sa anak nilang si Ellie
“God knows how it would’ve turned out without the guidance and support extended to me/us by my parents, siblings, relatives, friends, and our kasambahays. And of course, Andi’s been a great co-parent too. They da real MVP’s!”
Proud at masaya sa mga salitang binitiwan ni Jake Ejercito tungkol sa pagpapalaki nila kay Ellie. Lalong lalo na dahil pinuri niya ang ina ng kanyang anak sa pagiging responsable.
Inamin ng aktor na malaki ang bahagi ni Andi sa kung ano at sino ngayon ang kanilang anak.
Kamakailan lang ay umani ng magagandang papuri si Jake dahil personal niyang sinundo ang anak sa Siargao kung saan sila nagsi-stay. At bago bumalik sa Manila ay mismo si Ellie pa ang naging tour guide nito sa pagliwaliw sa Siargao.
Nag-post ng video si Jake sa kanyang Facebook account at marami ang natuwa at pinuri ang kanyang pagiging mabuting ama.
Ani ng aktor, “the photos and videos you see are mostly just me and Ellie, but it does take a village to raise a child and boy do we have an awesome one.”
Nagbigay din siya ng advice sa lahat ng mga batang ama tulad niya, “To all young dads out there, there’s nothing more fulfilling and beautiful in the world than to grow with and be best buddies with your child.”