Pinuri at binigyan ng ‘good luck’ greeting ang ngayo’y 1Sambayan nominate for Presidency na si Robredo
Hiniling ni Senator Panfilo Lacson ang ‘best of luck’ kay Vice President Leni Robredo matapos mapangalanan ang huli bilang isa sa mga posibleng presidential candidates ng 1Sambayan para sa Halalan 2022.
Maaalalang nauna nang tinanggihan ni Lacson ang imbitasyon ng 1Sambayan coalition para sa isang town hall meeting para sa national security at foreign policy, at nagsabing hindi siya sinali ng grupo bilang presidential candidate para sa 2022.
Pahayag ni Lacson tungkol kay Robredo bilang kandidata ay, “In my book, if the goodness of the heart is one single criterion to elect a President then I think she’s in to win it.
She’s a very decent person… I’m not campaigning for her by the way, this is just my personal opinion.”
Nang tinanong tungkol kay dating Senator Antonio Trillanes IV, aniya, “I don’t want to comment on Senator Trillanes because he has issued some negative comments against me and I would just leave it at that.”