Pinuna ulit niya at ni Markus ang mga bashers na ginagawang kakatwan ang itsura ni Baby Jude!

Gaya ng ibang ina, kayang-kaya at handa lagi si Janella Salvador na protektahan ang kanyang baby boy na si Jude Trevor mula sa mga bashers nito.

Nitong April 7 lang huling nakipagbuno si Janella kasama ang partner na si Markus Patterson sa mga bashers ng anak nilang pinupuntirya at ginagawang kakatwan ang itsura nito.

Sa isang interview na pinuntahan ni Janella, nabanggit niya kung gaano siya kagalit habang binabasa ang mga below the belt comments tungkol sa anak niya na nagsilabasan na kahit 5-months-old pa lang ito.

Aniya, “Actually at first ‘yung reaction ko when I saw it was… Hindi ko alam ‘yung mafi-feel ko kasi parang. ‘Ano ba ito? Joke ba ito?

Why would you joke about it?’ And then, eventually parang na-realize ko it’s not right. Hindi tama.”

Handa ang new momma na dalhin sa korte ang mga basher upang matuto ang mga ito.

Ani ng aktres, “Kailangan, kung sino man ‘to, matutunan niya ‘yung lesson niya kasi ako naman, sanay na ako sa pambabash. If it’s directed at me sige okay lang, dedmahin ko. Pero huwag naman sa anak ko na walang kamalay-malay.”

Maaalalang ang Star Magic, talent management arm ng ABS-CBN na handler ng career ni Janella at Markus, ay nag-babala nang handa silang dumaong sa legal na pamamaraan laban sa mga basher ni Baby Jude.

Leave a Reply

Your email address will not be published.