Pinipili ng Manila maging transparent, hindi susundin ang ‘brand agnostic’ plan para sa vaccination!
Ipinaalam ni Isko Moreno sa Manila City na ang mga taong magpapabakuna ay may karapatan pa ring itanong ang brand at anong tipong vaccine ang gagamitin sa isang site para ma-exercise ng mga ito ang right for their own health.
Inanunsyo ito ni Moreno matapos ang pagpapatupad ng ‘brand agnostic’ COVID-19 vaccination program ng national government na nagtatakdang ang mga pasyenteng matuturukan ng bakuna’y hindi makakaalam sa pangalan ng bakunang ipapasok sa katawan nila.
Ang ideya na ito ay dumating matapos ang insidente ng pagkakapuno ng vaccination sites noong Pfizer na ang available for vaccination.
Idinagdag ni Moreno na, “While susundin natin ‘yong national government kasi kailangan in-sync tayo ano, pero ito mga kababayan, teka muna, hindi naman sinabi ng national government na iturok sa’yo kung ano ‘yong gustong iturok sa’yo.
Kapag naka-deploy ‘yong bakuna, hindi man naming sinaad, kung kayo doon napunta sa bakunahan, hindi naman ipinagbabawal na magtanong ka kung ano ang bakunang dine-deploy.”
Ipapanatili nila ang pangakong pwedeng pumili ang mga residente ng bakunang gagamitin para iturok sa kanila. Ang marapat na gawin daw ay magtanong sa iba’t-ibang jab sites at pumili nalang, at the expense of more work sa side ng tuturukan ng bakuna.