Pinasalamatan pareho si Nogralea at ang DOH para sa tulong nila sa probinsya!

Nagpasalamat si CDO Rep. Rufus Rodriguez kay Cabinet Secretary Karlo Nograles at DOH Secretary Francisco Duque III para sa mga ventilators na ipinadala ng mga ito sa probinsya.

Maaalalang ipinadala ang mga ventilator upang ma-‘boost’ ang kapasidad ng mga CDO Hospitals na makatulong sa mga seriously ill COVID-19 patients.

Nitong Lunes, June 21, ay nagpadala ng letter of request si Rodriguez kila Duque at Nograles na nanghihingi ng 24 ventilators, na sinagutan ng mga ito sa parehong araw. Pinangakuan pa itong maipapadala ang tulong sa lalong madaling panahon.

Bilang pagpuna rin sa tumataas na mga kaso sa mga lugar labas ng NCR+, mayroon nang 10 siyudad ang idinagdag sa priority list ng vaccine distribution upang matulungang mapatigil ang pagkalat ng COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published.