Pinarangalan si Moreno ng mga Batangueño matapos mapansin ang kanyang mga aksyon at tulong noong sumabog ang Taal Volcano.

Hinirang bilang “adopted son” ng Lipa City, Batangas si Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Setyembre 28,2021, matapos maipasa ang resolution ng city legislative council. Nabigyang-pansin ang kanyang pagkukusang pagbigay ng tulong sa mga Batangueño nang sumabog ang bulkang Taal noong Enero 12,2020 at ang mga aksyon niya laban sa COVID-19 pandemic.

“Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, a public servant for almost three decades, has been decisive and resilient in his governance to hurdle the challenges posed by (the) COVID-19 health crisis thereby saving many lives of our countrymen and encouraging other local leaders to follow his template,” nakasaad sa resolution.

Kabilang ang lungsod ng Maynila sa mga naunang nagpamahagi ng tulong sa Batangas noong sumabog ang bulkang Taal. Bagamat hindi ito sakop ni Isko Moreno, walang alinlangan na nagbigay siya ng suporta at donasyon sa mga apektado at naging biktima ng naturang pangyayari.

Binukas rin ng Maynila ang kanilang mga pasilidad para sa mga Batangueños na matatamaan ng Covid-19. Inanunsyo ni Moreno na maaaring magpabakuna sa Maynila ang mga taong hindi residente doon sapagkat layunin niyang matulungan ang ating bansa at pabilisin ang pagbibigay ng mga vaccines sa mga tao.

Bagamat makikita sa lungsod ng Maynila ang kanyang maayos na pamumuno, nililinaw niyang wala siyang pinipiling tao na pagsilbihan sapagkat prayoridad niyang makatulong sa kanyang kapwa kababayan.
Kung napaunlad at naipa-ayos niya ang lungsod ng Maynila, hindi rin malabo na magagawa niya rin ito para sa buong bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *