Pinangunahan nito ang turnover ceremony ng housing units sa mga benepisyaryo ng Bugasong, Antique!
Pinangunahan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang turnover ceremony ng 2,603 completed housing units para sa benepisyaryo ng Yolanda Permanent Housing sites sa Bugasong, Antique nitong ika-16 ng Hulyo.
Ipinaalala rin nito sa mga residente na ang kasalukuyang administrasyon ay patuloy na aaksyon upang mag-develop ng mga komunidad sa mga naapektuhan ng Yolanda.
Ipinahayag rin niya ang kasiyahan habang nag-attend sa virtual turnover dahl mayroon nang aabot sa 43,669 units ang naipamahagi sa Western Visayas municipalities.
Iginiit din ni Nograles sa ceremony ang kahalagahan ng paghahanda sa pagharap ng mga kalamidad lalo na’t National Disaster Resilience Month ngayon. Ani pa nito, “Communities, led by their LGUs should always be ready and organized in facing disasters and afterwards during recovery, rehabilitation, and reconstruction.”
Ipinuna niya rin ang multi-tasking na isinagawa niya kasama ang Task Force Zero Hunger na nag-implementa ng Expanded Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) program sa mga komunidad ng bagong housing units.
Aniya, “We are urgently solving the twin problems of poverty and hunger through specialized government programs and crucial partnerships with private sector stakeholders such as Pilipinas Kontra Gutom which has led the creation of community gardens in our Yolanda resettlement sites.
Kailangan natin magtulungan. This initiative provides immediate food souces and long-term livelihood opportunities.”