Pinangunahan na ni Hontiveros ang gobyerno sa pagpapaalala na ibase sa Science kesa sa political favors ang pagbibili ng bakuna

Pinaalala ni Senator Risa Hontiveros sa gobyerno na dapat ang pagpili at pagbili ng bakuna ay nakabatay sa siyensya at hindi sa political favors.

Ito ay matapos maglabas ang MalacaƱang ng pahayag na ang Sinovac pa rin ang unang gagamitin na bakuna para sa masa, at ito ay mangyayari sa first quarter ng 2021.

Nagpahayag na ang vaccine czar Carlito Galvez na naglalayon ang bansang magkaroon ng kasunduan sa Chinese firm na Sinovac na sa padating na first quarter ng 2021 ay makakatanggap ang bansa ng 25 million doses.

Samantala’y nagpahayag si Hontiveros ng kanyang pangamba dito. Ayon sa kanya, “There are multiple and undeniable issues surrounding the vaccine offered by China, including transparency of data and results, emerging side effects as seen in Peru and even a company history of bribery.”

Diumano’y ito ay sapat nang rason upang tayo ay mag alala. Idinagdag pa ni Hontiveros, “If we want the people to trust the government’s decisions and to trust vaccination, we need to earn it. There should be no compromises. Follow the protocol.”

Nagpahayag din si Hontiveros ng concern sa presyo ng Sinovac vaccine, lalo na’t ito ang isa sa pinakamahal sa mga bakunang inilabas. Mayroon itong estimadong presyo ng PHP 3,600.

Nagbitaw ng katanungan si Hontiveros na, “So if it hasn’t been proven to be safe, and it isn’t even cheap, what is the basis for our preference for this vaccine?”

Bilang pagtatapos, pinaaalalahanan niya ulit ang gobyerno na huwag basta-basta bibili ng bakuna. Ani pa niya, “Do not sacrifice Filipinos’ health on the altar of the President’s bias towards China, which has continuously denied the Hague ruling and abused our waters.

Nagbitaw ang Food and Drug Administration (FDA) Director General na si Eric Domingo ng pahayag na hindi nila isisiguro ang pag-apruba sa Sinovac kung sila nga ay napatunayang nang-suhol para mapabilis ang pag-apruba sa kanilang bakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *