Pinaliwanag bakit hindi siya masyadong active sa social media!

Bilang parte ng gold squad ng ABS-CBN ng hihigit sa 2 taon na, marami pa rin ang proyektong dumadating para kay Seth Fedelin, isang teej actor na 2 taon nang nabibilang sa gold squad ng network.

Sa series na ‘Huwag kang Mangamba’ ay kilala iyo nilang si Pio, at kailan lang ay bumida ito sa isang episode ng ‘Click, Like, Share,’ isang bagong digital anthology series.

Di gaya ng mga kapwa gold squad members na sila Andrea Brillantes at Kyle Echarri, hindi ganoon ka-aktibo si Seth sa social media.

Pinaliwanag niya ito at nagsabing, “Ako kasi ‘yung tao na talagang hindi ako ma-social media. Lalo na ‘pag nasa bahay ako, mas pinipili ko makipag-usap sa mga tao sa bahay kesa mag-cellphone.”

Sa isang mediacon ng ‘Click, Like, Share,’ ibinahagi niya rin na thankful sky sa social media.

“Pinaka best naman na nangyari nang dahil sa social media ay napakain ko ang pamilya ko. Hanggang ngayon napapakain ang pamilya ko at nakakabayad ako ng bills sa bahay namin dahil sa social media. Isa yun sa pinaka best na nangyari sa paggamit ko ng social media.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.