Pinaka-matandang tattoo artist ng mundo ang Filipino mambabatok na ito

Bida ang Filipino Mambabatok na si Whang-Od sa bagong vlog ng napakasikat na Palestinian-Israeli vlogger na si Nas ng Nas Daily.
Sa bagong video na nilabas nito noong Martes binahagi nila na inabot ang crew niya ng 2 araw bago makarating sa village nila Whang-Od na matatagpuan sa Buscalan ng Tinglayan, Kalinga.
Ani ni Nas, “When I was in the Philippines, I met a lot of tourists who came to the country not to see the beaches but to get a tattoo from the 103-year-old lady.”
Ipinakita niya na ginagawa ni Whang-Od ang sarili nitong ink mula sa uling at tubig at ginagamit ang tinik ng mga puno bilang needle ng tattoo.
Hindi rin pwedeng pumili ng kanilang illustrations ang mga turistang interesadong magpa-tattoo, ngunit kinailangan nilang pumili sa mga designs ni Whang-Od na may kanya-kanyang sinisimbolo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.