Pinagyabang na ang EDSA, maluwang na sa tulong ng bagong Skyway!
Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes ng gabi na ang trapik sa EDSA’y wala na.
Ani nito sa interview kasama si Pastor Apollo Quiboloy, “Ang traffic sa EDSA maluwang na. But early on sa administration ko, it was a crisis.”
Nabigyan ng advice kasi si Duterte na manghiram umano ng pera para maka-adopt ng MRT. Kaya daw binuhos niya rito ang mga grant, at ani na rin niya, “Ngayon, maluwag na ‘yung traffic ng Maynila. Talagang if you go to Cubao, airport, it’s about 15 minutes.”
Ngayon, ang tinuturong rason sa pagkaka-decongest ng trapik ay ang pagbubukas ng 18-kilometer Metro Manila Skyway Stage 3 project, na nagdudugtong sa northern at southern portion ng Metro Manila. Pinaliit nito ang travel time sa magkabilang dulo ng metro.
Maaalalang ang proyektong ito ay naapruba noong Setyembre 2013 sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulo Benigno Aquino III.
Naanunsyo nitong Oktubre 2020 lamang ang pagka-kumpleto ng proyekto at opisyal na binuksan nitong Enero 2021.