PHP 86 Billion ang nagastos ng mga ospital sa mga pasyente na hindi na-reimburse ng PhilHealth

Aabot na ng PHP 86 Billion in total ang utang ng PhilHealth sa mga myembro ng Philippine Hospital Association.

Pahayag naman ng PhilHealth, PHP 12.9 Billion lang ang utang nila.

Ang 86B daw ay ang halaga ng nagastos ng 1,100+ members ng Philippine Hospital Association (PHA) at ito raw ay wala pang natatanggap na reimbursement galing sa PhilHealth, ayon na rin sa PHA President na si Dr. Jaime Almora.

Pahayag pa ni Almora, “Nag-alma sila. Ito ba ay strategy para hindi tayo bayaran na? Hindi na nga tayo binabayaran, tatawagin pa tayong manloloko.”

Idinagdag pa niya, “Parang isang kalabaw. ‘Yung kalabaw pinagtratrabaho mo, di mo na pinapakain, di mo na pinapainom tapos pinapalo mo pa. Kami po ang beast of burden natin.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.