PH business organizations, suportado kay Lorenzana sa panawagan laban China
Ang mga myembro ng pinakamalaking chamber of commerce ng Pilipinas at ibang business groups ay sabay na nanawagan na alisin ng China ang maritime militia vessels nito sa West Philippine Sea at tumigil sa pag-aktong sila’y mga colonizers gaya ng dati.
Nagsimula ang bagong intriga dahil sa presensya ng hihigit sa 200 Chinese Vessels na dumagsa sa Felipe Reef, na napapaloob sa 370-kilometer Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Nagdaos na ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) dahil dito at personal na nanawagan si Defense Secretary Delfin Lorenzana na umalis na sila sa teritoryo ng Pilipinas.
Ilang mga malalaking business organizations ng bansa ang sumuporta kay Lorenzana at sumali sa panawagang mag-withdraw ang mga sasakyan ng China.
Sa isang statement, ipinaalala nila na ang Felipe reef ay, “historically and by law undisputed Philippine territory, as was most clearly established in the 2016 ruling based on the UN Convention on the Law of the Sea.
Our exclusive right over the Julian Felipe Reef carries with it the utilization of, and the obligation to protect, its economic benefits, such as its rich marine life and mineral deposits, for the well-being of each and every Filipino.”