Personal niyang bibigyan ng tunay na cake ang empleyadong kinalokohan ng isang literal na mango bravo!

Tuwang-tuwa si Paolo Contis sa viral na storya ng isang birthday celebrator na nakatanggap ng di-pangkaraniwang ‘cake’ mula sa mga kasama sa trabaho.

Ang nabidang ‘cake’ ay binuo gamit ang ilang piraso ng manga at pakete ng Bravo biscuit. Tinawag pa itong Mango Bravo ng mga nagregalo sa birthday girl na si Katrina David.

Sa kahon na pinaglagyan ng cake mayroong litrato si Paolo Contis para palabasing galing ito sa de kalidad na bakeshop na kapareho ng apelido ni Paolo.

Ang nag-viral na litrato ay in-upload ni Cheenz Olalia Malang sa Facebook Grop na may pangalang “Homepaslupa Buddies.” Ininform pa nito na nag-ambagan talaga sila ng mga officemates para mabili ang ‘cake’ ni Katrina.

Caption sa birthday photo ni Katrina, “Hi mga ka-slapsoil. Share ko lang nagawa naming kabutihan. Naiyak officemate naming di expect na gagastusan talaga namin birthday niya. Tamang ambagan lang malayo talaga mararating.

Nakarating ang viral post kay Paolo na nagsabing, “Ang daming nag-tag sakin nito!”
At nagtanong pa ang aktor kung sino ang birthday girl at nang mabigyan niya ito ng tunay na cake.

Leave a Reply

Your email address will not be published.