People of the Year 2021, kinilala ang ilang mga pulitikong Pinoy!
Kapwa nakilala sila Vice President Leni Robredo, DTI Secretary Ramon Lopez, at Pasig City Mayor Vico Sotto para sa mga aksyong ginawa ng mga ito sa kasagsagan ng pandemya sa People of the Year 2021 na isinagawa virtually nitong Lunes, ika-12 ng Abril.
Naparangalan ng Special Award for Public Service si Robredo para sa anti-poverty program nitong ‘Angat Buhay’ at ang napakahusay na response ng kanyang opisina sa Covid-19.
Inalay ni Robredo ang award na ito para sa mga patuloy na sumusuporta at tumatayo kasama niya sa paglingkod sa bansa.
Si Lopez naman ay nabigyan din ng Special Award for Public Service para sa efforts nito sa pagbalik ng ekonomiya noong 2020. Kinilala siya ng awards show “for striking a balance between lives and livelihood by adapting smart, responsive strategies for reopening the economy in 2020.”
Habang si Vico Sotto naman ay kinilala ng mga PeopleAsia’s readers bilang tamang makakatanggap ng “People’s Choice Awardee.”
Maraming papuri ang natanggap ni Sotto para sa epektibong COVID-19 response sa lungsod nito pati na ang pagtataguri rito bilang isa sa 12 International Anticorruption Champions.
Ani ni Sotto, “I hope that this award will not only serve as a recognition but also an inspiration to leaders, especially young ones, of our country to serve truthfully and effectively.”