Pelikula ni Alfred Vargas sa MMFF 2020, binoykot ng ABS-CBN supporters

Entertainment – Pelikula ni Alfred Vargas, binoykot ng ABS-CBN supporters sa MMFF 2020

Napilitan si Alfred Vargas magpaliwanag kung bakit siya nag-inhibit mula sa pag-boto para sa franchise renewal ng ABS-CBN. Ito’y dahil sa panawagan ng mga netizens na i-boycott ang entry niya sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.

Sabi ni Alfred Vargas, “People called me names. Nabastos tayo. Until now, people use this issue against me and my movie. I just want to set the record straight. I inhibited from voting because of the circumstances I was in. We want to always follow the law.”

Nakaani ito ng pambabash galing sa mga netizens. Isa si Pia Magalona sa nagresponde dito kasama ang isang quote tweet na, “You still DID NOT VOTE IN FAVOR of FRANCHISE RENEWAL OF ABS-CBN.”

Habang ang ibang mga netizens ay may kanya-kanya ring pambash na naibigay sa kanya.

“Ang tawag dyan karma, Alfred. KARMA!”
“HAHA flop yung movie nya, deserve naman.”
“Wawa naman yung kasama sa movie nya madadamay sa curse ni Alfred.”
“Yung utang na loob mo na lang sa @ABSCBN sa na itulong sa career mo, Congresswomen Vilma Santos and Sol Aragones voted no sa shutdown! humingi ka ng help sa 70 congressman manood ng movie mo.”
“Mas malala nga ung pag abstain nyo, an abstention is always a vote for the majority. Anyway, irrelevant ka rin naman at kahit sa showbiz isa kang DA WHO. Walang talent pa sa pag arte. Sure ako record breaking FLOP ang movie mo.”
“Ekis ka Alfred, both sa nxt election at sa showbiz!”

Bilang dagdag dito, hindi nominado ang aktor para sa kanyang pagtanghal sa MMFF entry niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *