Patunay lamang ito na maraming tao ang naniniwala na handang-handa na si Moreno na pamunuan ang bansa.
Batay sa isinagawang survey ng RP-Mission and Development sa 10,000 katao magmula Oktubre 17 hanggang Oktubre 26, napag-alamang nangunguna si Aksyon Demokratiko Presidential Bet at Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Presidential Preference ng mga tao sa darating na 2022 Elections.
Ang tanong sa mga tao ay “Who would you vote for president if the election will be held today?”
Napatunayan naman ng lumabas na resulta na nagsisilbing ‘top choice’ si Moreno ng mga tao. Nangunguna siya sa mga lugar ng NCR na may 30.53% ng boto, sa Visayas na may 24:63%, sa Mindanao na may 22.70%, at under RP na may 25.39%. Hindi naman nalalayo ang kanyang nakuhang boto sa lugar ng Luzon sapagkat pumapangalawa ito na may 28.00%.
Habang papalapit ng papalapit ang eleksyon, patuloy na dumarami ang mga taong sumusuporta kay Moreno sa kanyang pagtakbo sa pagkapangulo. Onti-onting naliliwanagan ang mga tao sa kanyang mga layunin at mga plano na handog para sa kinabukasan ng ating bansa.
Naniniwala ang marami sa kakayahan at galing ni Moreno upang pamunuan at paunlarin ang ating bansa. Ang kanyang hangarin ay bigyan ng solusyon ang mga pangunahing problema ng bansa at suportahan ang mga taong nangangailangan. Para kay Moreno, kapakanan at kalagayan ng mga tao ang dapat unahin.