Patuloy na dumarami ang mga taong naniniwala kay Moreno sapagkat nakikita nila ang kanyang pagmamalasakit para sa lahat.

Ipinarating ng Muslim business community at iba pang sectoral at volunteer groups ang kanilang buong pagsuporta kay Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso para sa kanyang pagtakbo sa pagkapangulo ngayong darating na halalan.

Kasali rito ang mga miyembro ng Pilipinas God First United Bangsamoro Isko for President (PGFUBIP) coalition, Muntinlupa Isko Supporters, Truck Drivers of the Philippines Party List, at ang Federation of Quezon City Tricycle Operatos and Drivers Association.

Ipinahayag ng mga kasapi ng PGFUBIP coalition na sa lahat ng mga kandidatong sumubok na kumbinsihin sila, si Moreno lamang ang nakakuha ng kanilang buong suporta sapagkat sakanya lamang nila naramdaman ang tunay na pagmamalasakit ng isang pinuno.

Nabanggit nila ang pagpapatayo ni Moreno noong Hunyo 7 ng cultural hall at Manila Islamic Cemetery, ang kauna-unahang sementeryo ng mga Muslim sa NCR. Nakapaglaan si Moreno ng P49.3 milyon para sa pagpapatayo ng 2,400-square meter cemetery para sa mga Muslim.

Pahayag ni Moreno, nais niyang solusyonan ang matagal ng pinoproblema ng mga Muslim na kakulangan sa mga burial grounds. “Iyong mga kababayan nating Muslim, kapag sumasakabilang buhay, natataranta, saan ba nila ililibing ang mahal nila sa buhay sa Maynila… Minsan kailangan pang dalhin sa Mindanao. Paano kung pobre, paano kung squatter? Wala namang pera, but they have to do it,” aniya ni Moreno.

Bukod pa rito, marami ring mga muslim ang naging benepisaryo sa Basecommunity housing project ni Moreno sa Maynila.

Ipinapabatid naman ni Moreno na handa siyang umaksyon at bigyan ng solusyon ang mga suliranin ng bawat tao sa bansa na nangangailangan. Wala siyang pinipiling tao sapagkat pinapakinggan niya ang bawat tao. Ang layunin niya ay pagserbisyuhan ang mga tao, kahit ano pa man sila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *