Patay ang isang ‘drug pusher’ matapos ‘manlaban’ sa Maynila

Isang lalaki ang patay matapos ang isang buy-bust operation sa Plaza Mexico ng Ermita, Maynila noong hatinggabi ng Biyernes.

Ayon kay Police Lt. Col. Ariel Caramoan, ang hepe ng PNP Ermita, mayroon umanong tulak ng droga galing Cainta, Rizal na nagbabagsak sa kanilang lugar ng ilegal na droga.

Pasado hatinggabi nang makipagtransaksyon ang mga pulis kay “Ish” at sa kasama niyang lalaki na hindi pa nakikilala.

Bago makumpleto ang operasyong panghuhuli sana ay nakatunog na diumano ang dalawang lalaki na pulis ang kanilang ka-transaksyon kaya pinaputukan nila ang mga pulis gamit ang kanilang sariling baril.

Dahil dito, gumanti ng putok ang mga pulis na nagdulot sa pagkamatay ng lalaking kasamahan habang si “Ish” ay nakatakas sakay ng isang SUV.

Mayroong nakalap ang mga pulis na kalibre .45 na baril at pitong medium-sized sachet na naglalaman ng hinihinalang party drugs mula sa lokasyon ng engkwento.

Leave a Reply

Your email address will not be published.