Parte na ng palabas mula 2016 ang dalawa, at sinapit na ang kamatayan ng karakter sa isang record-breaking episode!
Si Teddy (Joel Torre) at Virgie (Shamaine Buencamino) ay pumanaw na sa batikang palabas ng ‘Probinsyano.’ Ang karakter ng dalawa’y kasama na ng series mula pa 2016, kaya ikinagulat ito ng mga manonood.
Sa pinakahuling record-breaking episode, nasangkot ang dalawa sa crossfire sa pagitan ni Cardo (Coco Martin) ng Task Force Agila at ng pwersa ni Renato (John Arcilla).
Noong umaalis na sa gulo ang grupo nila Cardo, naiwan si Virgie at binaril na sanhi ng kamatayan niya. Gulat at hindi makapaniwala sa nangyari sa asawa, nagpaiwan si Teddy at hindi ginustong iwan si Virgie.
Sa galit at kawalan ng konsiderasyon sa sarili, binaril ni Teddy pabalik ang pumatay sa asawa niya na naging sanhi ng kamatayan niya rin.
Nasaksihan itong lahat ni Cardo, na napilitang umatras dahil na rin sa pagpapaulan ng bala sa kanilang Task Force Agila.
Natamo na naman ng Probinsyano ang isang all time high viewership sa Kapamilya Online Live sa ikawalong gabi, hindi kasali ang weekends.