Pari ng kapilya, nagka-relasyon sa may asawa nang church-goer! Lahat, na-videohan!

Kuha sa isang 5-minute video ang nangyaring komprontasyon sa pagitan ng isang galit na galit na lalaki sa harap ng isang pari, na sinasabing naging kabit ng asawa niya.

Ang insidente’y naganap sa Pampanga, at ang video ay umiikot sa probinsya sa pamamagitan ng Private Message.

Makikita na sinira ng lalaki ang isang family portrait sa harap ng pari at nagsabing, “Sinira mo ang pamilya namin.”

Ang pari naman ay narinig sa unang parte ng video na nagsasabi ng, “I’m sorry” ngunit tahimik na sa kabuuan ng video.Sa isang sarkastikong tono pa ni-recite ng lalaki ang isa sa 10 Commandments ng Bibliya, ang “Thou shalt not covet thy neighbor’s wife.”

Kasama sa video ang kuha ng kung paano sinabi ng anak ng lalaki na maaaring magkaroon ng adultery case laban sa kanila, at na magkakaroon na ng imbestigasyon. Marami ang mga sumubo depensahan ang pari at pinalibutan siya para hindi maabot ng lalaking nanggagalaiti sa galit dito.

Hindi muna gusto ng pamilya na ilabas ang identidad ng babae at pari upang maprotekhanan ang identidad ng pamilya nila.

Naglabas ng komento patungkol dito si Archbishop Florentino Lavarias na nagsabing, “I am in contact with the priest and the family involved. We pray for God’s assistance and guidance.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.