Pari na nagka-relasyon sa may-asawa na, tinanggal sa Parokya!

Ang Pari na nabida sa isang nag-viral na video sa Pampanga na naglalaman ng komprontasyon sa pagitan nito at sa asawa ng karelasyon niya ay nalamang natanggal na sa Parokya.

Naglabas ng pahayag si Archbishop Florentino Lavarias ng Archdiocese ng San Fernando na aalisin muna ang pari sa pwesto ng naturang Parokya nila bilang paunang aksyon.

Ani ng opisyal na pahayag ni Lavarias, “The Roman Catholic Archdiocese of San Fernando reserves the right to take appropriate actions as a more thorough investigation progresses, after the receipt of a formal complaint from the concerned party.”

Hindi binanggit sa pahayag kung saan ilalaklak ulit ang Pari.

Siniguro ng arsobispo na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga may kinalaman sa isyu upang maibulgar ang katotohanan at nang mayroon silang tamang aksyong maisagawa.

Hiniling din niya na igalang na lamang umano ang privacy ng pamilya at ng iba pang nasasangkot dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.