Parehong kampo, handang umatake kung lalabag ang kabila sa truce agreement
Isang truce sa pagitan ng Israel at Hamas ang pinangunahan ng Egypt, at nagsimula ito nitong Biyernes lamang.
Ngunit sa kabila nito, ipinaalala ng Hamas na hindi sila lumalayo sa triggers kung sakaling bobombahin sila at idinemanda na ihinto na ng Israel ang patuloy nitong atake sa Jerusalem.
Sa loob ng 11 araw ng giyera, mayroon nang 232 Palestinians at 11 Israel residents ang namatay.
Sa simula ng truce agreement, nagsilabasan na sa kanilang pinagtataguan ang mga Palestinians.
Parehong handa ang dalawang panig kung sakaling ang kabilang partido ay lumabag sa truce agreements. Magpapadala naman ang Cairo ng delegado sa parehong panig upang masiguro na sumusunod ang mga ito sa ceasefire agreements.