Parami ng parami ang hospital claims na idine-deny, wala nang revenues ang mga ospital at mahihirapan nang mag-operate!

Inulit ni Grace Poe ang panawagan niya sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na bayaran na ang mga public at private hospitals na kinauutangan nito.

Concerned si Poe na nakakaabala ito sa mga operasyon ng mga ospital na kinakailangan na lalo ngayon dahil lamang sa mga procedures of payment na ‘unnecessary’ at ‘delaying’.

Nagpapakita ang isang September 2020 ulat ng Commission on Audit (COA) na ang Philippine Children’s Medical Center (PCMC) ay mayroong 1,641 claims na nai-deny ng PhilHealth na nagkakahalaga ng PHP 22.98M. Ang RTH nito ay mayroong 683 claims na aabot sa PHP 11.6M, at ang parehong claims ay hindi kinilala ng PhilHealth dahil umano sa ‘lack of certain requirements.’

Noong 2019 din ay nag-deny ang PhilHealth ng 1,595 claims sa PCMC na nagkakahalaga ng PHP 15.31M.

Sumasatutal na ang denials ng PhilHealth sa PCMC ay tumaas ng 126% mula 2019 pa-September 2020 at ang natamong loss ng ospital ay aabot na sa PHP 34.59M.

Ang National Kidney and Transplant Institute naman ay nai-deny ng aabot sa 2,387 claims na aabot sa PHP 30.31M at ang RTH naman nito ay mayroong claims na magkakahalaga sa PHP 122.81 na mula sa 15,061 claims.

Sa Philippine Heart Center ay mayroon ding 2,432 claims na nagkakahalaga sa PHP 38.92, habang ang RTH nito ay mayroong 1,475 claims na PHP 32.25M.

Ani ni Poe patungkol dito, “These are just the claims of three government hospitals. Private hospitals lament the same experience. We are in the middle of a pandemic and it is unconscionable that hospitals are not getting paid for services rendered and medicine or treatments administered. Delayed payments are equally unacceptable.”

Ayon sa COA reports, ang pag-reject daw sa 3 government hospitals ay dahil sa ‘unpaid premium contributions’ at paglabag sa ilang mga circular ng PhilHealth.

Idinagdag ng COA na mayroong 4,953 sets ng mga resibo ng mga PhilHealth agents ang unaccounted at ilan pa sa mga ito’y issued sa wala nang PhilHealth accreditation.

Bilang puna rito, nagsabi si Poe na, “It’s been a year since numerous PhilHealth issues and the supposed mafia that exists in the organization resurfaced. Despite the change in leadership, it is unfortunate that we are nowhere near resolving the extent of PhilHealth’s problems.”

Nagpalabas ng pahayag ang PCMC na ang billing at claims division nila’y mahigpit na sumusunod sa guidelines ng PhilJealth, at sinisisi nila ang denials na ito sa ‘instantaneous changes in the PhilHealth evaluation of claims’ na sinasabing walang pagbabaseng ginawa sa circulars at policies ng sistema.

Pagtatapos ni Poe, “Hindi tama na hindi binabayaran ang mga ospital.

Ang mga ospital at mga medical frontliner ang magtatawid sa atin sa pandemyang ito. Dapat bayaran na sila ng PhilHealth.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *